Tulong:Paano magsimula ng pahina
Madali lamang ang paglikha ng panibagong pahina sa Wiksyonaryo. Tiyakin lamang na alam mo na ang ilalathala mong paksa o usapin tungkol sa salitang iaambag mo sa Wiksyonaryong Tagalog. Dito ay malalaman mo kung paano magsimula ng bagong pahina.
Pagsisimula o paglikha ng bagong pahina
baguhinMaghanap ka lang ng salita sa search box (nasa kanang taas ng iyong screen at may nakalagay na "Maghanap") at ipindot ang Enter. Pwede itong dalhin ka sa pahinang iyon kung umiiral, o sa pahina na nagsasabing hindi pa umiiral ang pahinang iyon. Sa ganyang pangyayari ay ipindot mo lamang ang pulang kawing (o red link) sa salita na lilikhain mo. May lilitaw na kahong walang-laman na kung saan isusulat mo ang gusto mong maisulat. Para sa kaayusang aming ginagamit, tingnan ang Tulong:Paano magbago ng pahina. Kung naisulat na ang lahat ay isunod ng pagpindot sa "Ipakita ang pribyu" sa ibaba para makita mo kung anong hitsura ng pahina. Kung nasiyahan ka na sa resulta, ipindot lamang ang "Itala ang pahina". Naglikha ka na ng bagong pahina!
Pagsisimula ng pahina mula sa pulang kawing
baguhinPagbasa mo sa mga entrada sa Wikitionary, makikita mo ang mga pwedeng mapindot na asul at pulang kawing. Ang mga asul ay sa mga entradang umiiral na, samantalang ang mga pulang kawing ay sa mga hindi pa nasusulat na entrada. Kung napindot mo ang gayon ay dadalhin ka sa parehong kahong walang-laman na pwede mong masulatan.
Mga bagay na maaari mong alamin
baguhin- Sa kalagayan ng karapatang-ari ng mga inambag mo, maaaring silipin ang CC-BY-SA (sa Ingles ito) at ang GNU Free Documentation License.
- Sa lalo pang kaalaman ng pagrespeto ng karapatang-ari ng iba, tingnan ang mga karapatang-ari.
Pagsisimula ng iyong Sandbox
baguhinAng Sandbox ay gamiting lugar para subukin ang pagbabago (editing) para sa manggagamit na may anumang antas ng kaalaman. May magagamit sa lahat (Wiktionary:Sandbox), ang nilalaman ng pahinang ito ay nililinis sa regular na mga pagitan ng oras. Ang mga nakarehistrong manggagamit ay pwedeng lumikha ng sariling sandbox sa pamamagitan ng pagsusulat ng User:IyongUserName/Sandbox sa search box at pagpindot sa resulta.