Wiktionary:Karapatang-ari
Ang layon ng Wiktionary ay lumikha ng impormasyon na maaabot ng lahat. Ang mga katunayan ng kasalukuyang batas karapatang-ari ay nagsasakdal na tayo ay magbigay-atensyon sa mga isyung legal upang masigurado na ang ating mga gawa ay magagawang abot sa lahat, at upang mapagsanggalang ang proyekto mula sa pananagutang legal.
Ang orihinal na teksto ng mga entrada sa Wiktionary bago ang licensing update ay naka-lisensiya sa publiko sa ilalim ng Lisensiyang GNU para sa Malayang Dokumentasyon (GNU Free Documentation License, GFDL). Pinagkakaloob ang pahintulot na magsipi, magpabahagi at/o magbago ng teksto ng lahat ng mga entrada sa Wiktionary sa ilalim ng mga tadhana ng Lisensiyang GNU para sa Malayang Dokumentasyon, Bersyong 1.1 o anumang sumusunod na bersyon na inilimbag ng Free Software Foundation; na walang Hindi Nagbabagong Seksyon, Tekstong Pampabalat sa Harapan at Tekstong Pampabalat sa Likuran.
Ngayon, lahat ng mga orihinal na teksto ay naka-lisensiya sa ilalim ng GFDL 1.3 (buong teksto matatagpuan sa Wiktionary:Teksto ng Lisensiyang GNU para sa Malayang Dokumentasyon) o anumang sumusunod na bersyon na inilimbag ng Free Software Foundation na walang Hindi Nagbabagong Seksyon, Tekstong Pampabalat sa Harapan at Tekstong Pampabalat sa Likuran. Bilang bahagi ng licensing update para sa lahat ng mga proyektong Wikimedia, lahat ng teksto rito ay naka-lisensiya rin sa ilalim ng Lisensiyang Creative Commons Atribusyon-Pagpapamahaging Magkatulad, bersyong 3.0 Unported. Maaaring piliin ng reuser kung GFDL o CC-BY-SA-3.0 ang kanyang susundin.
Ito ay totoong nangangahulugan na ang mga entrada ay mananatiling malaya nang walang hanggan at ay magagamit ng sinuman sakop sa mga kabawalan na binanggit sa ibaba, na naglilingkod upang mapatibay ang kalayaang iyon.
Kadalasan, baka ang mga entrada ng Wiktionary ay naglalaman ng teksto, mga larawan, tunog o iba pang kontento mula sa mga pinagmulan sa labas ay may ibang tadhana sa karapatang-ari, at kung saan ito ay ginagamit na may pahintulot o sa ilalim ng doktrinang "fair use". Sa kasong ito, makikilala ang kontento na mula sa isang pinagmulan sa labas (sa pahina ng paglalarawan ng larawan, sa pahina ng kasaysayan o sa pahinang usapan, kung saan ito bagay) at ang mga humahawak sa karapatang-ari ng kontentong iyon ay mananatiling hahawak sa kanilang mga karapatan. Ang pagsisipi ng isang pangungusap mula sa isang kapanahong may-akda upang mailarawan ang kanyang paggamit ng isang salita ay isang mahalagang halimbawa ng fair use, ngunit makabuluhan pa rin ang tamang pagkakakilala sa pinagmulan.