Tulong:Paano magbago ng pahina

Ipindot lamang ang Baguhin (nasa kanang taas ng screen) para magsimulang magbago (edit) ng pahina. Ang software na ginagamit ng Wiktionary ay dinisenyo para mas madali ang pagbabago ng pahina, pero may mga kakaibang mga bagay. Iyon ay dahil makakalikha ka ng higit sa simpleng teksto lamang.

Pag-aayos (Formatting)

baguhin

Ang kudlit (') ay mayroong mga natatanging gamit para sa pag-aayos ng teksto:

  • Ang tekstong nakapahilis ay nagagawa sa pamamagitan ng pag-tatype ng dalawang kudlit sa kabilaan ng gusto mong pahilisin, tulad nito: ''Tekstong nakapahilis''
  • Ang tekstong makapal ay nagagawa sa pamamagitan ng tatlong kudlit sa kabilaan ng gusto mong kapalin, tulad nito: '''Tekstong makapal'''
  • Siyempre, pwedeng pagsamahin ang dalawa para makakuha ka ng tekstong makapal at nakapahilis sa pamamagitan ng limang kudlit sa kabilaan ng gusto mong kapalin at pahilisin: '''''Tekstong makapal at nakapahilis'''''
    O, parang sa mga halimbawang pangungusap, pwede kang magkaroon ng nakapahilis na pangungusap na may makapal at nakapahilis na salita sa loob:
    ...''pangungusap na may '''makapal at nakapahilis na teksto''' sa loob''.
  • Ang kudlit na mag-isa ay walang kalalabasan, kaya pwede mo ring pahilisin o kapalin ang mga salita na may kudlit.
    Kung ang nai-type mo ay my ''dog's'' ball, ang makukuha mo ay my dog's ball.
    Kung ang nai-type mo ay my '''dog's''' ball, ang makukuha mo ay my dog's ball.
    Para sa mga paaring pangngalan na may kudlit sa huli:
    Para sa Jones' house, i-type ang ''Jones'''
    Para sa Jones' house, i-type ang '''Jones''''
    Para sa Jones' house, i-type ang '''''Jones''''''
  • Ang panipi (") ay wala ring kalalabasan at pwedeng magamit sa loob o labas ng nakapahilis o makapal na teksto.
    Sinabi niya, "ngayon ikaw rin ay pwedeng magtayp ng "makapal" na salita o ng "nakapahilis" na salita."
    Sinabi niya, "ngayon ''ikaw'' rin ay '''''pwedeng''''' magtayp '''ng "makapal" na salita''' o ''ng "nakapahilis" na salita''."
  • Hindi namin ginagamit ang pagsasalungguhit dahil ginagawa nitong parang kawing ang teksto.

Panimulang Guhit (Basic Lines)

baguhin

Sa pagbasa ng entrada, makikita mo na may iba't ibang mga uri ng guhit. Halimbawa, ang mga pakahulugan ay nabibilangan, ang mga salin ay napupungluan (may bullet point), ang mga halimbawang pangungusap ay may palugit o indent.

  • Ang mga nabibilangang guhit ay nagagawa sa pamamagitan ng # Pagsisimula ng guhit gamit ng #
  1. Nagsisimula sa #
  2. Ginagamit ito sa pakahulugan lamang
  • Ang mga napungluang guhit sa pamamagitan ng * Pagsisimula ng guhit gamit ng *
    • Nagsisimula sa *
    • Ginagamit ito sa anumang uri ng talaan, lalo na sa mga salin.
  • Ang mga guhit na may palugit ay nagagawa sa pamamagitan ng : Pagsisimula ng guhit gamit ng :
    Nagsisimula sa :
    Ginagamit ito sa halimbawang pangungusap kasama ang # sa bahaging pakahulugan, sa mga pagtatalakay, at sa mga pahinang usapan (talk pages).
  • Lahat ito'y pwedeng pagsamahin, sa paggagawa ng talaan sa loob ng talaan – parang ganito, sa pamamagitan ng palalagay ng dalawang panitik na magkasama.
    1. #Halimbawang pagkahulugan
      #:Na may kasamang halimbawang pangungusap.

Mga kawing (Links)

baguhin

Ang pagkawing ay isa sa mga pakinabang ng wiki na ganito. Ang mga kawing ay pinapagana ng sampindot na paglalayag sa mga kaugnay na pahina.
Bagama't hindi natin masyadong ginamit ang mga kawing sa pahinang ito, madalas ay makikita mo ang mga asul na teksto, o minsan, pulang teksto. Pareho itong mga kawing: ang ibig sabihin ng asul ay umiiral ang pahina (hindi naman palaging patungo sa tamang wika), ang ibig naman sabihin ng pula ay hindi pa umiiral ang pahina at maaari pang likhain.
Ang mga salita sa talaan ay laging nakakawing, o kung hindi, walang silbi ito na nakalagay sa talaan. Ang paggamit ng kawing ay nangangailangan ng kaunting pasiya.

    1. Ang mga kakaibang salita na ginamit sa pakahulugan ay dapat kawingan.
    2. At dapat din ang mga teknikal na katawagan na kailangan sa kahulugan.

Ito ang mga pangunahing kaalaman kung paano gumawa ng kawing. Bagama't simple lang ang pasimulang pagkakawing, maaaring mas maayos ang mabisang pagkakawing, kaya basahin ang madaling aralin sa ibaba kung paano magkawing:

  • Ang karaniwang kawing ay magagawa sa pamamagitan ng pag-tatype ng dalawahang panaklaw (double square brackets) sa kabilaan ng salita, [[pahina]], na lilitaw na ganito: pahina.
    Ang mga kawing sa Wiktionary ay case sensitive, kaya ang [[Pahina]] ay hindi pwede: Pahina.
  • Sa mga kaso na ang ibig na ilitaw na salita ay hindi salitang-ugat o salitang-tangkay (stem word), pwede mong i-type kung ano talaga ang pupuntahang pahina ng kawing. Maglagay ng "|" sa gitna ng pahinang pupuntahan at ang salitang lilitaw, tulad nito: [[pahinang pupuntahan|salitang lilitaw]]
    Halimbawa, kung ang ibig mong kawingan ay ang maramihan, o plural, na "adverbs", at ang tatamaang pahina ay ang isahan, o singular, na "adverb", i-type mo ang [[adverb|adverbs]] at lilitaw na adverbs, pero kapag pipindutin mo ang kawing na iyan, dadalhin ka sa pahinang "adverb".
  • Ang kawing ay pwedeng papunta sa bahagi ng isang pahina gamit nito: #. Mabisa ito para maikawing ang tiyak na bahagi ng malalaking pahina.
    Para kawingan ang bahaging "Panghalip" ng pahinang "akin", i-type ang [[akin#Panghalip]] at ang lilitaw ay akin#Panghalip.
  • Palaging itsek bago itala ang pahina na ang mga kawing nilikha mo ay pupunta sa ibig mong puntahan. Pagkatapos ng pagpindot ng "Ipakita ang pribyu", gamitin ang kawing para ibuksan sa bagong tab o window sa panginain (browser) (at baka mawala pa ang binabago mo!), at itala kung nasisiyahan ka na sa resulta.

Mga paulo (Headings)

baguhin

Kung titingnan mo, sa bawat entrada ay may mga paulong may iba't ibang mga laki. Ito ay pinapalilitaw sa pag-tatype ng ==Paulo==. Mas maraming tandang tumbas (equal sign), mas maliit ang paulo. Bilang pasimula:

==Tagalog==
===Pangngalan===
====Singkahulugan====

ay lilitaw na:

Tagalog
Pangngalan
Singkahulugan

Natatanging mga panitik (Special characters)

baguhin

Maaaring gusto mo ring magdagdag ng panitik na wala sa iyong keyboard. Mahahanap mo ang halos lahat ng panitik na kailangan mo sa pagpindot ng "Natatanging mga panitik" sa taas (may symbol na Ω). Piliin lamang ang pangkat at pumili ka ng panitik doon. Para sa ganap na talaan ng panitik ng Unicode, tingnan ang: [1]

Mga padron (Templates)

baguhin

Madalas ay may makikita kang mga kakatwang tekstong nakalakip ng dalawahang pamukod (double braces). Ito ay mga padron at sarimuin, o automatic na ipapalit ng teksto sa code. Kaya kung may kailangang may kaparehong code sa maraming pahina, mas mabuti ay maglikha ka ng padron. Ang string na {{xyz}} ay lilitaw na tila ang nilalaman ng padron ay nasa pahinang nakalagay nito. Isang halimbawa ay ang Padron:hpl, na nagsasabi na may humihiling na linisin ang isang pahina sa Wiktionary:Hiling para sa paglilinis.

Paglagda (Signing)

baguhin

Kung sangkot ka sa mga pagtatalakay, sa mga pahinang usapan(talk page) , o sa mga pahinang may mga hiling, tinuturing na mabuting gawi ang paglagda ng iyong (user) name sa dulo ng iyong tala. Ang paglagda ay madaling gawin sa pamamagitan ng pag-type ng apat na tilda (~~~~), na sarimuin, o automatic, na mapapalit sa iyong username (nakakawing sa pahina ng tagagamit) at ang UTC na tatak ng oras.

Pero siyempre hindi mo nilalagda ang mga entrada dahil tinuturing itong sama-samang gawain ng maraming mga tagagamit tulad ikaw.

Ang mga pwedeng iambag sa nilikhang pahina

baguhin

Kung hindi ka marunong lumikha ng isang pahina, may maraming mga paraan sa pagbago sa isang pahina. Ito ang mga pwede mong iambag sa isang pahina.

  • Pagdaragdag ng pagbigkas. Pwede kang tumulong sa pagdaragdag ng (mga) pagbigkas ng isang salita. Gamitin ang padrong {{IPA}} para sa mga pagbigkas.
  • Pagdaragdag ng etimolohiya. Kung alam mo ang pinagmulan ng isang salita, hiram man o balbal, maaari kang magdagdag ng kaalaman tungkol dito.
  • Pagdaragdag ng mga kahulugan. Kung may alam kang kahulugan ng salita na hindi nilagay sa entrada, maaari mong dagdagan.
  • Pagdaragdag ng mga kasingkahulugan, salungatkahulugan, kaugnay na salita, atbp.
  • Pagdaragdag ng mga salin. Kung may alam kang salin ng salita sa ibang wika, maaaring idagdag sa bahaging Mga salin. Gamitin ang mga padron sa pagsasalin: {{sln-taas}}, {{sln-gitna}}, {{sln-baba}}, {{S}}, {{S+}}
  • Pag-aayos sa isang entradang hindi malinis o hindi maayos. Kung may nakita kang hindi malinis at/o hindi maayos na pahina, pwede mong ayusin o linisin ang pahinang iyan. Tingnan ang pahinang Entry layout sa Wiktionary ng Ingles para sa gabay sa pag-aayos ng entrada.

May mga iba pang paraan sa pag-aambag sa Wiktionary. Magsaliksik at gumalugad ka lang.

Tingnan din

baguhin