mema
Ang mema ay pinaikling salita na ang ibig sabihin ay "may masabi lang". Ang salitang ito ay unang nabanggit noong 2005. Sa taong 2012, madalas na itong ginagamit ng mga taong nakakahalata na may sinasabi lang sila o ang ibang tao para lang makasalita at minsan ay gaya-gaya lang para makasali sa uso o usapan. Sa madaling salita, may maikumento lang. Marso 2012 ng mapadalas ang gamit ng salitang ito.