kaulupungan
"Kaulupungan" salitang tumutukoy sa katangian ng pagiging taksil sa gawang mabuti ng kausap o kaibigan o kapalagayan ng loob.Ang taong hindi marunong gumanti ng mabuti sa mabuting ginawad sa kaniya ng iba ay karaniwang pinapalagay na may ugaling ulupong o ahas.May kasaysayan sa banal na kasulatan, na ang isang pangkat ng anghel ay nagawang maging suwail at mapaghimagsik sa banal na Maykapal.Sa kabila ng kabutihan ng lumikha sa kanila,naisipan pa nilang pantayan ang lumikha sa kanila.Gayon din naman ang mga taong sumusunod sa yapak ng suwail na nilalang, ang pantayan ang pinuno nila pagkatapos makinabang matagal.Maraming larangan o pangyayari kung saan ang kaulupungan ay nagagawa ng mga nilalang na walang takot sa Maykapal.