karaoke
Tagalog
baguhinEtimolohiya
baguhinMula sa Hapones na カラオケ (karaoke), mula sa pinagsamang 空 (から, kara, "walang laman") + オケ (oke), pinaiksing オーケストラ (ōkesutora) ("orchestra"), na mula naman sa Ingles na orchestra.
Pangngalan
baguhinkaraoke
- Isang uri ng libangan kung saan kumakanta ang mga tao sa mga instrumental (walang boses) na bersyon ng mga kanta, habang pinapakita ang liriko nito sa screen kasabay ng musika.
- Isang makinang pangkaraoke.