"KAGANDAHANG LOOB" katangian na una ay nagmula sa Panginoong Dios na mapagbiyaya sa ganap at hindi ganap na mga tao.Ang kagandahang loob ay nagaganap sa mga taong dumanas ng biyaya ng maykapal sa pamamagitan din ng mga kinakasangkapan na mga tao.Ang kagandahang loob ay bunga ng paggabay ng Dios sa taong biniyayaan niya. May pagkakataon na pati ang iba ay napapaigaya sa ginawa ng kapuwa nila sa pamamagitan ng pagbibigay sa nangangailangan.Ito man ay pagbibigay ng salapi,gamit o mungkahi ay lahat nang ito ay kagandahang loob.Nakakasama nga lang ng loob minsan dahil malimit na ang pinagkakalooban ng kagandahang loob ay hindi marunong mapasalamat sa Dios at sa taong nag abot sa kaniya.Kaya dapat suriing mabuti kung sino sino ang dapat pamahagian ng anumang bagay dahil may pangyayari na ang kakulangan ng ilang tao ay dahilan na ng gaba o parusa o karma sa maling nagawa nila nuon.Ang pagbibigay sa gayong kalagayan ay magdudulot ng kabigatan sa nagbigay dahil may parusa ngang naka atang sa mga pinadusa ng tadhana.Samantala, may pagpapala naman kapag ang pinag abutan mo ay may takot sa Dios at marunong magturing ng wasto sa nagmagandang loob sa kanila.Sa makatuwid, hindi lahat ay pinag uukulan ng biyaya,mayroon ding sadyang pinarurusahan dahil sa mga kalikuan nila na hindi nila pinagsisisihan.




<3