Tagalog

baguhin

Pangngalan

baguhin

amapola

Ang amapola o Papaver rhoeas (Ingles: corn poppy, flanders poppy, red poppy at field poppy) ay isang uri ng halamang namumulaklak na kabilang sa mga henerong Papaver. Tumataas itong mas higit sa 50 sentimetro. Tuwid ang tangkay nito na may mga nagsasalitang mga dahon. Matindi at matingkad ang pagkapula ng mga bulaklak nito, at bawat isa ay may apat na mga talulot. Mayroon din itong bungang kulay lunti at matulis.

Matagal na panahon nang may kaugnayan sa larangan ng agrikultura ang amapola. Nakikisunod ang gulong ng buhay nito sa pagtatanim ng mga bungang butil ng ibang halaman (mga cereal). Bagaman itinuturing na pesteng halamang damo (mga yerba), madali itong magapi ng mga karaniwang panupil ng mga salot na halaman.

Mga salin

baguhin