Wiktionary:Kapihan
Maligayang pagdating sa Kapihan ng Wiktionary sa Tagalog. Dito, maaari kayong mag-usap tungkol sa lahat nang nangyayari sa proyektong ito. Maaari rin kayong magtanong tungkol sa mga isyung teknikal, pang-operasyon at pampatakaran ng Wiktionary.
Kapihan Ang tambayang panlahat: magtanong, magmungkahi tungkol sa mga isyung teknikal, pang-operasyon at pampatakaran ng Wiktionary o makipag-usap sa ibang taga-Wiktionary. |
Kahilingan Ang dulugan sa mga kahilingan, tulad ng pagpapatunay, paglilinis, o pagbubura ng mga salita, pati na ang pagiging tagapangasiwa o administrador |
Makialam sa mga balita at anunsiyo mula sa Wikimedia. |
Botohan Dito ginagawa ang mga pagboto sa mga panukala o mungkahing pang-operasyon o pangtungkulin sa Wiktionary na Tagalog. |
Embahada For Non-Tagalog speakers: If you have any announcements or questions regarding international issues, you are invited to post them here. |
![]() | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Kahingian upang maging administrador ng Wiksiyonaryong Tagalog
baguhinAko si Tagagamit:Ysrael214 at humihingi ako ng permiso upang maging administrador ng Wiksiyonaryong Tagalog (tl.wikt). May layunin akong linisin ang tl.wikt at naisip kong ang pagiging administrador ay higit na makatutulong.
Nagsusulat ako dito ayon sa mungkahi ni Tagagamit:Sky Harbor.
Tungkol sa Akin
baguhinAko ay isang aktibong editor mula sa Wiksiyonaryong Ingles (en.wikt) na nagsimula lamang noong 2021. Ako rin ay isang katutubong editor na Tagalog ang pangunahing kinagisnang wika na may ilan-ilang impluwensiya ng diyalektong Gitnang Luzon.
Tingnan ang aking rekord o tala ng mga aking ambag sa websayt na iyon dito: https://xtools.wmcloud.org/ec/en.wiktionary/Ysrael214 Ayon sa link, ako ay may 71,964 na edit doon habang isinusulat ito. Kung titingnan ang aking mga kaambagan, halos araw-araw akong may edit. Ako ang madalas lapitan ng mga iba pang editor ng Tagalog kung may pagbabago at hindi pa ako nahaharang o naba-block kailanman.
Ang mga edit ko sa en.wikt ay mga pagbabago ng mga entrada (ew huwag lahok ang gamitin pakiusap) mula paghanap sa tamang etimolohiya, pagbigkas, tamang kahulugan na ayon sa tunay buhay.
Marami din akong naedit na modyul dahil sa aking karanasan sa pagko-code sa lua. Ang mga ito ay ako lang din ang nag-edit. Halimbawa ng mga modyul ay:
- https://en.wiktionary.org/wiki/Module:tl-pronunciation para sa IPA na naka-format at awtomatikong pagpapantig.
- https://en.wiktionary.org/wiki/Module:tl-bay_sc para sa awtomatikong pagsasa-Baybayin ng mga salita.
- https://en.wiktionary.org/wiki/Module:tl-utilities para sa paglalapi at pagbabanghay (konhugasyon) ng mga salita ngunit ito ay kasalukuyang ginagawa pa.
Mga nais gawin kapag maging administrador
baguhinSa totoo lang, hindi pa ako naging kailanman naging administrador ng kahit anong site sa Media Wiki kaya hindi ko pa alam ano ang lahat ng kayang gawin ng pagiging administrador. Subalit ang nais kong gawin muna ay maglinis sa website na ito at mas magagawa ko iyon kung kaya kong magbura ng mga entrada lalo na ang mga bandalismo. Bibigyan ko rin ang sarili ko ng akses na magkaroon ng isang bot para maisinop ang mga entrada rito. Aayusin ko rin ang mga salin dito ng iba't ibang wika.
Hindi ko alam kung sakop ba ito ng pagiging administrador (o baka sa sysop na ito, di ko alam. sana maging mungkahi na lamang sa ibang site tulad ng tl.wikt at tl.wpedia), pero nais ko ring baguhin ang mga nakasulat sa UI dito. Halimbawa ang "binabantayan" para sa watchlist. Maaari itong gawing "talábantáyan na hango sa tala- (list) + bantay (watch) + -an, at "mga ginawa" para sa contributions at gagawin itong "mga ambag".
At alam ko din na hindi lamang Tagalog ang ieedit dito sa tl.wikt pero ayos lang din akong linisin ang iba. Ihahango ko ang mga kakailanganin sa tl.wikt mula sa en.wikt (sa ayos ng entrada, sa mga kategorya, mga padron) para sa konsistensiya ng mga site. Kapag mas konsistente, mas kawili-wili iedit itong tl.wikt iedit rin ng iba dahil hindi kailangan ng malaking adjustment. Nakatutulong din na nakakausap ko ang mga admin ng en.wikt din.
Pagbubuod
baguhinBilang pagwawakas, nais kong linisin ang tl.wikt subalit tingin ko kailangan ko ng aksesong pang-administrador. Dahil ako rin ay aktibo, mas makokontak din nila ako rito kung may kailangan at mas mabilis na dahil minsan may mga admin din na hindi na napapansin ang tl.wikt. Aaminin kong mananatili akong mas buhay sa en.wikt kaysa sa tl.wikt dahil may mga proyekto pa akong nalalabi doon. Pero salamat sa pagpuna ng aking kahingian at sana'y matupad ang aking pagkaadministrador dito.
Mabuhay.
Seksiyon para sa usapan
baguhin- Tulad ng sinabi kanina ni Ysrael214, naniniwala ako na mananatili sa mabuting kamay ang Wiksiyonaryong Tagalog kung siya ay maihalal bilang tagapangasiwa. Sa gayon, sang-ayon ako sa kaniyang hiling. --Sky Harbor 11:40, 15 Abril 2025 (UTC)
- Suportado ako. Naging administrator din ako ng TL Wikibooks dati (nang ilang buwan lamang) at nilinisan ko iyon (napakaraming bandalismo dati na kailangang ayusin). Maaari mong maiba ang ibang UI elements, gaya nang ginawa ko sa Wikibooks, ngunit ang mga ibang salin ay kailangang gawin sa TranslateWiki. Nais ko rin na makapag-ambag ng mga Ilokano na salita dito, dahil mas mainam na isalin ang Ilokano sa Tagalog kaysa sa English. — 🍕 Yivan000 viewtalk 09:05, 27 Abril 2025 (UTC)
- @Sky Harbor @Yivan000 Magkakaroon ng bagong botohan at administrator lang ang ibinigay sa akin, dapat maging interface administrator pala. Inaayos ko lamang ang mga template (tulad ng
Sang-ayon at
Tutol) at voting
- Tsaka @Yivan000 baka nais mo ring maging tagapangasiwa dito, dahil narito rin ako kaya kong magbigay suporta, at tiyak naman sigurong maaaproba ito. @Sky Harbor, isa si @Yivan000 sa mga madalas kong makita sa Wiktionary na Ingles. Gagawa rin ako ng pahina sa mga kahilingan maging administrador para mas malinaw kung saan maglalagay ng kahiligan sa pagiging admin. Ysrael214 (kausapin) 10:15, 27 Abril 2025 (UTC)
- Para sa kaalaman ng inyong dalawa, Ysrael214 at Yivan000, tradisyonal na ginagamit ang "Sang-ayon" at "Tutol" para sa botohan. Gayunpaman, naniniwala ako na mahalaga ang muling pagtataguyod ng proyekto para naman may silbi ito para sa ating mga mambabasa, kaya'y gawin natin (at tutulong ako kung maaari) ang kailangang gawin upang mamuhay muli ang proyektong ito. --Sky Harbor 11:49, 27 Abril 2025 (UTC)
- @Sky Harbor Puwede ko namang gawing Tutol Ysrael214 (kausapin) 15:50, 27 Abril 2025 (UTC)
- Para sa kaalaman ng inyong dalawa, Ysrael214 at Yivan000, tradisyonal na ginagamit ang "Sang-ayon" at "Tutol" para sa botohan. Gayunpaman, naniniwala ako na mahalaga ang muling pagtataguyod ng proyekto para naman may silbi ito para sa ating mga mambabasa, kaya'y gawin natin (at tutulong ako kung maaari) ang kailangang gawin upang mamuhay muli ang proyektong ito. --Sky Harbor 11:49, 27 Abril 2025 (UTC)
- @Sky Harbor @Yivan000 Magkakaroon ng bagong botohan at administrator lang ang ibinigay sa akin, dapat maging interface administrator pala. Inaayos ko lamang ang mga template (tulad ng
Para sa mga wika ng Pilipinas + suggestion para sa language header
baguhinAng KWF ay mayroon nang mga opisyal na saling Tagalog ng mga wika ng Pilipinas: https://kwfwikaatkultura.ph/listahan-ng-mga-wika-ng-pilipinas-a/. Iimplementa ko ito sa Module:languages/data/3/a atbp., kasama na ang mga tudlik.
Upang hindi iba-iba ang mga salin ng mga pangalan ng mga wika, suggestion ko na gayahin ang mga ibang Wiktionary na gumagamit ng {{=ceb=}}
(halimbawa ng Sebwáno) para sa language header. Kapag walang tututol ay iimplimenta ko na rin ito. — 🍕 Yivan000 viewtalk 09:24, 30 Abril 2025 (UTC)
Sang-ayon
- 𝄽 ysrael214 (usapan) 09:37, 30 Abril 2025 (UTC)
- @Yivan000 Pero pala gawin mo lang na schwa ang may tuldik (diaeresis), wag ang mga pahilis, pakupya, etc 𝄽 ysrael214 (usapan) 10:20, 30 Abril 2025 (UTC)
- Alam ko na ginagamit na ngayon ng KWF ang tuldik para sa tunog na sinisimbolo ng schwa pero malawak na ba ang paggamit nito? Para sa ibang mga kudlit, siguro mas mainam na gamitin muna ito upang maipaliwanag na magkaiba ang mga salita, ngunit siguro kailangan nating pag-usapan kung dapat may dalawang pahina ang mga salitang tulad ng "hapon" (hápon at Hapón), "suka" (suka, suká at sukâ), atbp.? --Sky Harbor 00:52, 1 Mayo 2025 (UTC)
- @Sky Harbor @Yivan000 Para sa akin, hindi dapat ihiwalaay ang suka, suká, at sukâ tulad ng Wiktionary sa Ingles, dahil kadalasan hindi naman isinusulat ang á, à at â kahit sa pormal na pagsulat, di tulad ng Espanyol. Naiintindihan din ng mga tao na iba-iba ang maaaring dulo ng salia kung may impit ba o wala. Linalagay lang namin ito sa ulo ng lema (aayusin ko pa)
- Dapat ihiwalay ang hapon sa Hapón dahil ito ay may malaking titik ang Hapón.
- Sa kaso ng ë, ito ay koreksiyon lamang sa mga wika sa Pilipinas na gumagamit ng schwa sound tulad ng Kankanaëy. Iniisip ko ito bilang hiwalay na titik. Kahit di lagyan ng diyakritikong á, à, at â, tama ang bigkas ng mga tao sa pagbasa. Pero sa kasong ë, bagaman hindi pa malawak ang gamit nito, hindi talaga makukuha ng Maranaw, o Meranaw ang tamang pagbasa sa Mëranaw kapag walang tuldik. Hangga't hindi awtomatikong alam ng mga tao na ë pala ang bigkas at hindi e (komplikado sa mga may parehong tunog tulad ng mga nanghiram sa Kastila), para sa akin dapat ilagay. Saka hindi sa Tagalog matatagpuan ang ë, kaya wala namang masama. Pero maaari din namang tulad na lang ng á,à,â na sa ulo ng lema na lang ilagay ang ë. 𝄽 ysrael214 (usapan) 10:16, 1 Mayo 2025 (UTC)
- @Sky Harbor @Ysrael214 Oo nga, parang espesyal na kaso ang ë, dahil bagaman hindi na kailangang isulat ang é, è, at ê, isinusulat pa rin ang ë. Tignan ang Itnëg na isinusulat nang ganito, ngunit pag lahat ng tudlik ay ilalagay ay dapat Itnë́g. Ang ë ay maaari ring maging ë́, ë̀, at ë̂ (ngunit di pa ako nakakakita ng halimbawa para sa ë̀ at ë̂).
- Ang ginawa ko sa paglalagay sa Module:languages/data/3/a atbp. ay ang paglalagay ng ë pero hindi na yung iba. — 🍕 Yivan000 viewtalk 14:22, 1 Mayo 2025 (UTC)
- Alam ko na ginagamit na ngayon ng KWF ang tuldik para sa tunog na sinisimbolo ng schwa pero malawak na ba ang paggamit nito? Para sa ibang mga kudlit, siguro mas mainam na gamitin muna ito upang maipaliwanag na magkaiba ang mga salita, ngunit siguro kailangan nating pag-usapan kung dapat may dalawang pahina ang mga salitang tulad ng "hapon" (hápon at Hapón), "suka" (suka, suká at sukâ), atbp.? --Sky Harbor 00:52, 1 Mayo 2025 (UTC)
Mga kailangang pag-usapan
baguhinNapakarami ko nang nacontribute – mainly patungkol sa {{auto cat}}
at sa pag-paparity ng mga lumang padron dito sa modernong padron sa English Wiktionary. Tignan ang Kategorya:Pangkalahatan para sa root category. Obviously hindi pa ito tapos.
May mga nakita na akong kailangang gawin: (ilalagay ko na ang lagda ko dito para maaaring may matugon sa mga susunod na heading) — 🍕 Yivan000 viewtalk 04:31, 15 Mayo 2025 (UTC)
- Sasagot ako rito siguro sa katapusan ng linggo. Paumanhin at abala ako sa trabaho sa tunay na buhay 𝄽 ysrael214 (usapan) 07:33, 15 Mayo 2025 (UTC)
Pinging @Ysrael214 @Sky Harbor.
Patungkol sa Maugnayin Talasalitaang Pang-Agham pagsasalinwika
baguhin
Napaka-essential nito sa pagsasalin ng mga salitang pang-kategorya (tignan ang Module:category tree at LAHAT ng kanilang subpages, lalo na ang subpages ng Module:category tree/topic). Maaari bang gamitin ito?
- Binasa ko ang w:Wikipedia:Pagsasalinwika at mas nalinawan ako. Dapat pala may hierarchy tayo, lalo na't napakaraming teknikal na salitang ginagamit sa proyektong ito. Ang suggestion ko ay eto (wherein yung mga nasa taas ay mas nakalalamang):
- Ginagamit na sa https://kwfdiksiyonaryo.ph (sa kanilang labels at mga mismong entrada)
- Nilikha sa Balarila ng Wikang Pambansa (specifically sa mga appendix ng rinepublish na version ng KWF, pag wala edi sa mga isinulat mismo ni Lope K. Santos)
- Ang mga iba pang nakasulat sa w:Wikipedia:Pagsasalinwika
- Ang Maugnayin, KAPAG hindi nila nilikha ang salita (i.e. hindi pwedeng gamitin ang "palamuhatan/panuysuyan" [etymology], ngunit pwede ang "kahulugan" [meaning]; hindi pwede ang "kagantimbigkas" [antonym], ngunit pwede ang "salitang nilikha" [coined word]). Kumbaga magiging reperensya lamang ito kung may mga katutubong salita na.
- May mga problema pa rin ito (halimbawa: namomoblema ako sa "inflection", mayroon nang impleksiyón sa KWF Diksiyonaryo ngunit hindi ko alam kung paano ang pandiwang "inflect"). Pero sa tingin ko mas nakabubuti pa ito, kaysa sa wala tayong gabay. Need pa talaga ng mga input. — 🍕 Yivan000 viewtalk 14:18, 27 Mayo 2025 (UTC)
Salin sa mga paulo (headings)
baguhinNeed na natin ng estandardisasyon patungkol sa mga paulo. Narito ang maaaring mga salin:
Ingles (mula en:WT:EL) | Salin |
---|---|
Before definitions | |
Alternative forms | Ibang anyo, Alternatibong anyo |
Description | Paglalarawan*, Deskripsiyon≈ |
Glyph origin | ? |
Etymology | Etimolohiya≈, Panuysuyan* |
Pronunciation Production | Pagbigkas, Bigkas* Paggawa |
After definitions | |
Usage notes | Talâ (ng paggamit) |
Reconstruction notes | Talâ ng (mulinyari*|rekonstruksyon~) |
Inflection Declension Conjugation | (Pagsa)Sabaylo*, Impleksiyon≈ (Pagsa)Saukol*, Deklinasiyon~, Pag-uukol†, Paukulan† Pagbabanghay*†, Sabanghay*, Konhugasiyon~, Palabanghayan† |
Mutation | Pag-ibanyuhay*, Mutasyon~ |
Alternative forms | Ibang anyo, Alternatibong anyo |
Alternative reconstructions | (Alternatibong|Ibang) (mulinyari*|rekonstruksyon) |
Synonyms | ((Mag)Ka)Singkahulugan*† |
Antonyms | ((Mag)Ka)Salungat†, Kagantimbigkas* |
Hypernyms | Salitang (ka)saklaw?, |
Hyponyms | Salitang (ka)sakop? |
Meronyms | Salitang (ka)bahagi? |
Holonyms | Salitang kabuuan? |
Troponyms | Salitang (ka)gawi? |
Coordinate terms | Salitang kapantay? |
Derived terms | Salitang (nahango|kahango|hinango), Salitang hinugot* |
Related terms | Salitang (naugnay|kaugnay|iniugnay) |
Collocations | Kolokasyon≈ |
Descendants | (Salitang) Inapo*, (Salitang) Inanak* |
Translations | (Tala)Salin(an) |
Trivia | Alamin? |
See also | Tignan din |
References | (Tala)Sanggunian, Reperensiya≈ |
Further reading | Basahin din |
Anagrams | Anagram, Anagrama~ |
Bahagi ng pananalita | |
Adjective | Pang-uri† |
Adverb | Pang-abay† |
Ambiposition | Ambiposisyon~ |
Article | Palagyo† (articles are a more specific form of determiners, but the Barirala refers to it as pantukoy.) |
Circumposition | Sirkumposisyon~ |
Classifier | Tagapangkat? |
Conjunction | Pangatnig†, Panudlong† |
Contraction | May-angkop†, Kontraksiyon‡, Daginsin* |
Counter | Pamilang? |
Determiner | Pantukoy† |
Ideophone | Pandama? |
Interjection | Pandamdam† |
Noun | Pangngalan† |
Numeral | Pambilang† |
Participle | Pandiwari† |
Particle | Kataga†, Tipik*, Partikulo~ |
Postposition | Posposisyon~ |
Preposition | Pang-ukol† |
Pronoun | Panghalip† |
Proper noun | Pangngalang pantangi† |
Verb | Pandiwa† |
Circumfix | Kabilaan† |
Combining form | ? |
Infix | Gitlapi† |
Interfix | Interpiyo~ |
Prefix | Unlapi† |
Root | Ugat†* |
Suffix | Hulapi† |
Diacritical mark | Tuldik† |
Letter | Titik† |
Ligature | Pang-angkop† |
Number | Bilang† |
Punctuation mark | Bantas(an)†‡ |
Syllable | Pantig† |
Symbol | Simbolo‡≈, Sagisag* |
Phrase | Parirala† |
Proverb | Salawikain |
Prepositional phrase | Pang-ukol na parirala |
Han character | Han na karakter |
Hanzi | Hanzi |
Kanji | Kanji |
Hanja | Hanja |
Romanization | Romanisasyon‡~ |
Logogram | Logogramo~ |
Determinative | Determinatibo~ |
*: From Maugnaying Talasalitaang Pang-Agham
†: From Balarila ng Wikang Pambansa
‡: From Manwal sa Masinop na Pagsulat
?: Hindi sigurado
~: Approximate loanwords mula sa Español
≈: Hiniram mula Español na mayroon sa KWF Diksiyonaryo
Kailangan ng maraming input para dito.
Kailangang idagdag na namespace
baguhinKailangang magdagdag ng mga bagong namespace (+ need ng salin):
Ingles (mula en:Special:NamespaceInfo) | Salin |
---|---|
Appendix | Apendise‡≈, Hungpong*, Apendiks |
Rhymes | Tugma*, Rima≈ |
Thesaurus | Tesawro≈, Talasimpanan* |
Citations | Sipi‡, Sitasyon≈ |
Sign gloss | Senyas? |
Reconstruction | Mulinyari*, Rekonstruksyon |
Kailangang idagdag+iconfigure na extension
baguhinEssential na kaliangang idagdag 'tong mga to:
- mw:Extension:DynamicPageList
- For mw:Extension:DisplayTitle, need
$wgRestrictDisplayTitle = false;
Mayroon pa atang mga ibang extension na kailangang imodify.
Mga tudlik sa mga kahulugan – gawing required?
baguhinTignan ang current state ng entradang ito na nangangahulugang "tala" (malamang kailangan pa itong i-edit at ayusin). Mas maganda dapat kung may tudlik ito upang maging mas klaro ang kahulugan. Opkors gagamitan dapat natin ng {{l}}
upang awtomatikong maitatanggal ang mga tudlik sa kawing. — 🍕 Yivan000 viewtalk 14:18, 27 Mayo 2025 (UTC)
- @Yivan000 Para sa mga extension, paano ito? ipapagawa ba natin ito sa mga bureaucrat? Sa mga tuldik, sa akin hindi ito kailangan pero ito ay maaari at rinerekomenda upang mas malinaw ang ibig sabihin. halimbawa sa kitá at kíta. Lalagyan lamang ito kapag alam natin bilang editor na maaaring mabigyan ng ibang kahulugan kapag hindi malagyan ng tuldik.
- May masasabi ka rin ba @Sky Harbor? 𝄽 ysrael214 (usapan) 14:42, 1 Hunyo 2025 (UTC)
- Nabigla ako na ngayon ginagamit na ng KWF ang mga tuldik sa kanilang diksiyonaryo. Alam ko na hindi ito ginamit dati pero ngayon nandoon na sila. Naniniwala ako na mas mainam na magkaroon ng opsiyon para sa pagpataw ng tuldik o hindi, ngunit kailangan nating pag-usapan kung paano natin ito magagawa sa labas ng pangunahing ngalan-espasyo (tulad ng mga pahinang usapan). --Sky Harbor 09:31, 2 Hunyo 2025 (UTC)
- @Sky Harbor Para sa akin, sa halimbawa ni @Yivan000, kapag merong mga salita na maaaring maraming bigkas, doon lamang lalagyan. Kaya sa Pinlandes na tallentaa, dapat ito ay talâ, para maintindihang "record" at hindi "star". Pero kapag ang salita ay wala namang ibang bigkas sa ngayon, halimbawa, únan, wala namang unán kaya ayos lang na walang tuldik. Nakikita ko itong mas magamit sa mga paglilinaw ng pangngalan at pandiwa tulad ng higáan at higaán. 𝄽 ysrael214 (usapan) 13:45, 2 Hunyo 2025 (UTC)
- May ilan akong kinakausap tungkol dito at siguro mas mainam na gumawa na lang ng ekstensiyon na maaaring gamitin para maipakita ang mga tuldik sa halip na pilitin natin ang pagpapahiwalay ng mga salita ayon sa kanilang pagkaroon ng tuldik o ang kawalan nito. Siguro maaari natin itong ibase sa magkalapat na kagamitan ng Wikipedia sa Kantones na maaaring magpakita ng tekstong nakasulat sa Tsinong payak kahit kung ginagamit ng nakararami sa mga patnugot nito ang Tsinong tradisyonal, basta't malinaw ang mga tuntunin sa paggamit ng tuldik at maaari nating paglinawan kung kailan ginagamit ang isang salitang may partikular na tuldik batay sa konteksto. --Sky Harbor 10:36, 4 Hunyo 2025 (UTC)
- @Ysrael214 Para sa mga extension, alinsunod sa mga tuntunin dito sa Meta-Wiki, kailangan ng botohan at pagkatapos ay gagawa tayo ng ticket sa Phabricator na idagdag ang mga ito (gaya ng ginawa ko sa Tagalog Wikibooks).
- @Sky Harbor Ang naiisip mo ba ay parang toggle switch na maaaring gamitin upang maipakita o maitago ang mga tudlik? Sa tingin ko ay maaaring maimplementa ito sa pamamagitan ng isang Gadget. Sakto na maraming mga gadget na ginagamit ng enwikt na kailangang idagdag dito sa tlwikt, maaari rin nating isabay na idagdag itong bagong gadget na ito.
- Ang unang hiling ko lamang sana diyan ay gagamitan ng
{{l}}
upang maaaring gamitan ng tudlik ngunit ang kawing nito ay wala (hal. ang talâ ay tumutungo sa tala). NgunitSang-ayon rin naman ako kung may interaksyon pa ito. — 🍕 Yivan000 viewtalk 08:46, 5 Hunyo 2025 (UTC)
- Maaari namang kailanganin ang paggamit ng padron na iyan kung gagawa ng kawing.
- Kasakukuyan kong pinag-iisipan kung paano ito gagana, pero siguro mabuting ikabit ang ganitong kagamitan sa Diksiyonaryo ng KWF dahil may mga tuldik na iyon. Gayunpaman, hindi ako sigurado kung may API iyon. Baka kailangan natin itong pagplanuhan at balak kong mag-organisa ng usapan sa pagitan natin at ng mga mas may-alam tungkol sa mga aspektong teknikal ng ating pamayanan. --Sky Harbor (usapan) 01:56, 8 Hunyo 2025 (UTC)
- May ilan akong kinakausap tungkol dito at siguro mas mainam na gumawa na lang ng ekstensiyon na maaaring gamitin para maipakita ang mga tuldik sa halip na pilitin natin ang pagpapahiwalay ng mga salita ayon sa kanilang pagkaroon ng tuldik o ang kawalan nito. Siguro maaari natin itong ibase sa magkalapat na kagamitan ng Wikipedia sa Kantones na maaaring magpakita ng tekstong nakasulat sa Tsinong payak kahit kung ginagamit ng nakararami sa mga patnugot nito ang Tsinong tradisyonal, basta't malinaw ang mga tuntunin sa paggamit ng tuldik at maaari nating paglinawan kung kailan ginagamit ang isang salitang may partikular na tuldik batay sa konteksto. --Sky Harbor 10:36, 4 Hunyo 2025 (UTC)
- @Sky Harbor Para sa akin, sa halimbawa ni @Yivan000, kapag merong mga salita na maaaring maraming bigkas, doon lamang lalagyan. Kaya sa Pinlandes na tallentaa, dapat ito ay talâ, para maintindihang "record" at hindi "star". Pero kapag ang salita ay wala namang ibang bigkas sa ngayon, halimbawa, únan, wala namang unán kaya ayos lang na walang tuldik. Nakikita ko itong mas magamit sa mga paglilinaw ng pangngalan at pandiwa tulad ng higáan at higaán. 𝄽 ysrael214 (usapan) 13:45, 2 Hunyo 2025 (UTC)
- Nabigla ako na ngayon ginagamit na ng KWF ang mga tuldik sa kanilang diksiyonaryo. Alam ko na hindi ito ginamit dati pero ngayon nandoon na sila. Naniniwala ako na mas mainam na magkaroon ng opsiyon para sa pagpataw ng tuldik o hindi, ngunit kailangan nating pag-usapan kung paano natin ito magagawa sa labas ng pangunahing ngalan-espasyo (tulad ng mga pahinang usapan). --Sky Harbor 09:31, 2 Hunyo 2025 (UTC)
- @Yivan000 @Sky Harbor
- Paumanhin na ngayon lamang ako nakasagot at abala ako sa nakaraang mga linggo, at may ginagawa din ako sa English Wiktionary.
- Ukol sa mga salin sa Tagalog, sa akin ay iwasan ang paggamit ng mga mula sa Maugnayin lalo na't hindi naman ito ginagamit. Dapat i-Tagalog ito na matatagpuan sa karaniwang diksiyonaryo at hindi gumawa ng bagong "Tagalog" o neolohismo para masabi lamang na Tagalog. Ang ating layunin din ay maintindihan ng mambabasa. Halimbawa kung ang isang dayuhan ay magtatanong ng "ano ang rekonstruksiyon ng salitang ito?" dapat naiintindihan din ito ng isang Pilipino. Mas maiintindihan ang "Ano ang rekonstruksiyon nito?" kaysa "Ano ang mulinyari nito?" ni kahit Pilipino ay hindi agad alam kung ano ito. Ang wika dapat ay maiintindihan ng karaniwang tao, ng masa, at hindi ng mga edukado lamang.
- Dahil diyan ito ang aking pagsasalin:
Ingles (mula en:WT:EL) | Salin |
---|---|
Bago ang Kahulugan | |
Alternative forms | Panghaliling anyo |
Description | Paglalarawan |
Glyph origin | Pinanggalingan ng Glyph |
Etymology | Etimolohiya |
Pronunciation Production | Pagbigkas Pagsasagawa |
Pagkatapos ng kahulugan | |
Usage notes | Tungkol sa Paggamit |
Reconstruction notes | Tungkol sa Rekonstruksiyon |
Inflection Declension Conjugation | Pagbabagong-anyo Paukulan Pagbabanghay |
Mutation | Mutasyon |
Alternative forms | Panghaliling anyo |
Alternative reconstructions | Panghaliling rekonstruksiyon |
Synonyms | Singkahulugan |
Antonyms | Kasalungat |
Hypernyms | Pamangkat (?) |
Hyponyms | Pinapangkat (?) |
Meronyms | Kabahagi (?) |
Holonyms | Kabuoan (?) |
Troponyms | Kaparaan (?) |
Coordinate terms | Mga katawagang katulad |
Derived terms | Mga katawagang hinango |
Related terms | Mga katawagang kaugnay |
Collocations | Kolokasyon |
Descendants | Kalipian |
Translations | Mga salin |
Trivia | Munting kaalaman |
See also | Tingnan din |
References | Sanggunian |
Further reading | Basahin din |
Anagrams | Anagrama |
Bahagi ng pananalita | |
Adjective | Pang-uri |
Adverb | Pang-abay |
Ambiposition | Pang-ukol |
Article | Pantukoy (Palagyo means nominative, we dont have the concept of articles so it shares its name with determiner) |
Circumposition | Pang-ukol |
Classifier | Tagauri ng kabibilangan |
Conjunction | Pangatnig |
Contraction | Pagpapaikli |
Counter | Pamilang |
Determiner | Pantukoy |
Ideophone | Padamdam (?) |
Interjection | Pandamdam |
Noun | Pangngalan |
Numeral | Pamilang |
Participle | Pandiwari |
Particle | Kataga |
Postposition | Pang-ukol |
Preposition | Pang-ukol |
Pronoun | Panghalip |
Proper noun | Pangngalang pantangi |
Verb | Pandiwa |
Circumfix | Kabilaang lapi |
Combining form | Paghahalo |
Infix | Gitlapi |
Interfix | Kabit (?) |
Prefix | Unlapi |
Root | Ugat |
Suffix | Hulapi |
Diacritical mark | Tuldik |
Letter | Titik |
Ligature | Pang-angkop |
Number | Bilang |
Punctuation mark | Bantas |
Syllable | Pantig |
Symbol | Sagisag |
Phrase | Parirala |
Proverb | Kasabihan |
Prepositional phrase | Pariralang may pang-ukol |
Han character | Titik-Tsino |
Hanzi | Hanzi |
Kanji | Kanji |
Hanja | Hanja |
Romanization | Romanisasyon |
Logogram | Logogramo |
Determinative | Pantukoy |
Ingles (mula en:Special:NamespaceInfo) | Salin |
---|---|
Appendix | Apendise |
Rhymes | Tugma |
Thesaurus | Tesawro |
Citations | Sipi |
Sign gloss | Senyas |
Reconstruction | Rekonstruksiyon |
𝄽 ysrael214 (usapan) 13:39, 1 Hunyo 2025 (UTC)
- @Sky Harbor Sa mga salin namin, may gusto ka bang mungkahi? 𝄽 ysrael214 (usapan) 13:46, 2 Hunyo 2025 (UTC)
- Alam ko na ang antonym sa Tagalog/Filipino ay "salungatkahulugan" (lapat ng "singkahulugan"), pero hindi ako tutol sa salin na mas maigsi kung mayroon man ito. Tapos may salita ba para sa glyph na maaari nating gamitin nang hindi ito nakasalalay sa Ingles?
- Gayundin, maaari ba nating gamitin ang "au" bilang pamantayang pagbabaybay dito para sa mga salitang may ganitong diptonggo? Sa makatuwid, "tesauro" sa halip na "tesawro", o kaya'y "automatiko" sa halip na "awtomatiko" o "otomatiko". --Sky Harbor 02:17, 5 Hunyo 2025 (UTC)
- @Sky Harbor Hmmm.. mas pumapanig ako sa ginagawa na namin sa Wiksiyonaryo sa Ingles na kung ano man ang mas bumabagay sa pinakabagong ortograpiya ng KWF, iyon ang pangunahing entrada. Lahat ng mga pagbaybay na tumutukoy sa parehong salita at konsepto ngunit iba nga lang sa pangunahing anyo ay magiging redireksiyon papunta sa pangunahing anyo. Mas mainam na gumamit ng mga redireksiyon para na rin mas madaling mapanatili ang mga entrada, na ang pangunahing entrada lamang ang binabago, hindi lahat ng entrada kung sakaling may baguhin.
- Dahil doon, ang mga "au" ay magiging redireksiyon lamang ng mga pagbaybay na "aw" sa pangunahing entrada.
- Naaalala ko sa ating usapan dati na nais mong gamitin ang "au" para sa pleksibilidad sa mga bigkas ng Ingles at Kastila na kahit bigkasin mo man bilang "aw" na mala-Kastila o "o" na mala-Ingles.
- Para sa akin, basta panghaliling anyo lamang ang "au", hindi pa rin ako kumbinsido na gawing "au" ang pangunahing entrada, dahil
- 1. ito ay makalumang pagbaybay na binago na ng KWF at ang kadahilanan ng paggamit ng "aw" ay ayon daw sa panukala ni Jose Rizal na gamitin ang "hawla" sa halip na "haula"
- 2. Mas may pakiramdam na Tagalog ang "w" kaysa sa "u", halimbawa sa bawtismo sa halip na bautismo. Bagaman ginagamit din natin ang bautismo, ang pakiramdam nito ay mas Kastila kompara sa bawtismo.
- 3. Mas pabor ako sa tuntuning "Kung ano ang bigkas, siyang baybay". Kung "aw" ang bigkas, "aw" din ang pagbaybay. Kung tunog "o" eh di kunwari sa awtomatiko "otomatiko" ang baybay. Ngunit sa kaso ng "automatiko", ang magiging pangunahing entrada pa rin naman ang awtomatiko dahil ang otomatiko ay mas "kolokyal" na baybay. Ang paggamit ng "au" kay maaaring makalikha ng pagbasa na "a'u" o may impit sa gitna ng "a" at "u". Bakit naman sa Ingles at Kastila tayong basa bumabatay? Baka may magbasa ng "ba'utismo" o "botismo" dahil nakita nilang "au" ito.
- May hiwalay pang tuntunin na kapag hiram, iibahin mo ang pag-intindi sa basa ng "au" na aw at o lamang ang maaari. Maaari naman itong gawing mas simple, at sa paggamit ng "aw" sa mga Kastila
- Ito rin ang ayoko sa salitang Tagalog na may "ao" at "oa", tulad ng "aorta", "oido", "oasis" na ang basa pala dapat ay "aworta", "owido" (na minsa'y "uwido" ang basa) at "owasis". Hindi "a'orta", "o'ido" at "o'asis". Pero hindi pa malinaw ang tuntunin sa "ao" at "oa" kaya mas doon na lang ako sa kung ano ang baybay na umiiral na. Walang bumabaybay ng owasis kaya oasis pa rin. Ito rin ang naging problema dati ng mga sinaunang Tagalista na ang baybay din sa mga diptonggo para sa "aw", "iw" ay "ao", "io". Kunwari ay "arao", "gilio" na maaaring bumigkas ng "ara-o", "gili-o"/ "gilyo". Tinanggal nila ang mga magugulong baybay para iisa lamang ang basa sa isang salita. Lahat ng may ganoong diptonggo na "aw" ay ginawang "aw" at ang "iw" ay "iw"
- At ganun din sana sa "au"/"aw"/"o" sa pagpili ng pangunahing entrada. Gamitin ang "au" para sa "a-u", "o" para sa "o" at "aw" para sa "aw", wala nang dagdag tuntunin at magkatugma ang bigkas at baybay. Dahil din mas malinaw, mas napepreserba ang kaaalaman na ganito pala ang bigkas niya hanggang sa susunod na henerasyon.
- Pero lahat naman ng mga panghaliling anyo ay isasama rito sa Wiksiyonaryo bilang redireksiyon naman.
- @Yivan000 Ano rin ang masasabi mo? Kung mas umaayon ka kay SkyHarbor, ganun ang magiging patakaran dito sa Wiksiyonaryong Tagalog na iba sa ginagawa natin sa Wiksiyonaryong Ingles. 𝄽 ysrael214 (usapan) 15:34, 5 Hunyo 2025 (UTC)
- @Sky Harbor @Ysrael214 Mas angkop para sa akin na sundin ang mga tuntunin ng KWF (sa kasalukuyan ay ang 2014 Manwal sa Masinop na Pagsulat) patunkol sa kasong kambal-katinig (seksyon 5). Ito'y dahil sa maraning edge cases na napag-isipan na nila.
- Alam naman natin na patuloy ang paggawa ng mas updated na Ortograpiyang Pambansa (tignan ang mga pampublikong konsultasyon dito, dito, at dito; mainam na idownload na ang mga ito dahil ibubura na ng Facebook ang mga lumang Facebook Live). Kaya sa hinaharap ay inaabangan natin ang makabagong OP dahil sigurong may mga pagbabago/paglilinaw patungkol sa mga digrapo at diptonggo.
- Dahil nagsasagawa naman na tayo ng estandardisasyon ng mga paulo at namespace, maigi na rin na gamitin natin ang estandardisadong ortograpiya. — 🍕 Yivan000 viewtalk 00:56, 6 Hunyo 2025 (UTC)
- @Sky Harbor Tungkol sa glyph wala akong mahanap na Tagalog dito. Walang glipo sa mga diksiyonaryo. Ayoko rin ng "ukit" dahil hindi ito nakukuha ang kabuoang kaisipan ng "glyph" 𝄽 ysrael214 (usapan) 15:35, 5 Hunyo 2025 (UTC)
- Gayundin, maaari ba nating gamitin ang "au" bilang pamantayang pagbabaybay dito para sa mga salitang may ganitong diptonggo? Sa makatuwid, "tesauro" sa halip na "tesawro", o kaya'y "automatiko" sa halip na "awtomatiko" o "otomatiko". --Sky Harbor 02:17, 5 Hunyo 2025 (UTC)