Usapang Wiktionary:AOL
SCOPE AND LIMITATIONS
baguhinPara'ng wala nang kalalagyan ang pagkalula ko sa tuwing makikita ko ang pagkaway ng pagka-kapal-kapal na mga pahina at pagka-tatangkad-tangkad ng mga aklata'ng panalansanan ng mga panulat na kung hindi kulang-kulang ay labis-labis ang nilalaman; kaiba'ng malayo sa mga orihinal nilang anyo. Sa lawak ng dapat gawin ay makatuwiran nga lang sukatin ang lawak ng gawain bilang tuwira'ng larawan ng "kalawakan".
Gaano kalawak? Napakalawak na tungkuling nakalulula kung iisipin. Ang higit nakapagtataka't nakapangingiliti'ng lalo sa gano'ng pagkalula ay ang kaisipa'ng ng mga LIMITASYONG PANGKALAGAYA'T PANGKAKAYAHAN.
Kaya nga SCOPE AND LIMITATIONS. Nakakatawa na nga lang kasi'ng isipin na ang SCOPE ng gawain at ang LIMITASYON para gampanan iyon ay magkasinglawak.
Ang pananalakay na ito ay minabuting maisapahina ngayon ditto at nang sa gayon ay maipauna nang masabi na kung saan man ang marating ng sampung daliri ko, makaaasa ang mga pahina'ng yaon na ang hangganganan ng kakayahan ko. Higit doon, ipagpaumanhin, hindi na saklaw ng pantao'ng kalikasan nito'ng kanilang Tagapangodigo. Naisin mang lahatin ang takda'ng gawain, sa ngayon ang masasabi lamang ay pagsisikapan ko po... pagsisikapa'ng tangkain.