Usapan:Arabe
impormasyon ng arabe
baguhinAng Arabe (Arabe: العربية, al-'arabiyyah) ang pinakamalaking kasapi ng sangay Semitiko ng pamilya ng mga wikang Aproasyatiko at malapit na kamag-anak ng Ebreo at Arameo. Sinasalita ito sa buong daigdig Arabe at malawakang inaaral at naaalam sa buong daigdig Muslim. Ang Arabe ay isang wikang pampanitikan mula pa noong mga ika-6 dantaon at ang wikang panliturhiya ng Islam.
Sa katotohanan, wala talagang nagsasalita ng pamantayang Arabe (اللغة العربية الفصحى, al-luġatu-l-ʿarabīyatu-l-fuṣḥā, “ang pinaka-elokwenteng wikang Arabe”) bilang wikang pang-araw-araw; limitado lamang ang ganong gamit sa mga pormal na okasyon. Sa halip, sinasalita ng mga Arabo ang iba’t ibang diyalekto nito ngunit madalang na magkaunawaan ang mga tagapagsalita ng dalawang magkakaibang dyalekto; sa mga ganitong kaso, ang pamantayang wikang Arabo ang ginagamit.
Nagmula rin sa wikang Arabe ang Maltes, na nagkakaloob ng malaking bilang ng mga salita mula sa Italyano at Ingles.