Dakila
"DAKILA" salitang nagsasabi ng pagiging tanyag o bantog dahil sa pambihirang nagawa,nagampanan at pagkakaroon ng kakaibang katangian. Ang salitang ito ay nasa anyo ng "DAKULA" sa bikol ,"DAKOL" sa bisaya at "DAKEL" sa Ilokano na ang kahulugan ay "malaki" na may kaugnayan sa pagiging dakila o malaking pangalan ng sinumang tanyag na tao sa pagbigkas sa tagalog.Halimbawa; 1.) Naging dakila si Manny Pacquiao dahil sa sunod sunod na pagwawagi niya sa larangan ng suntukan o boksing.