Daigdig
"DAIGDIG" ang salitang Tagalog para sa "mundo" o "planeta".Ang salitang ito ay may salitang ugat na "DIG" na siyang lupang tinutungtungan ng lahat ng nilalang o kinapal.Kaya naman may mga salita tayo tulad ng "TINDIG", "SANDIG" at "KADIG"(pangalan ng bundok) na pawang tumutukoy sa tibay na kinatatayuan na lupa o lupain ng isang munti o maliit na bagay.Ang salitang "daig" sa Daigdig ay maaring nagsasabi ng pananagumpay na saklawin ang kabuoan ng lupa upang manatili itong siksik o buo at wag sumambulat na kaya tinawag sa salita nating "DAIGDIG"